25 Aug 26. Si Cronenjunior may body horror din??
Possessor (2020, dir. Brandon Cronenberg)
Kailangan panoorin ‘to sa madilim na sinehan o kapag nakakulong sa iyong madilim na kwarto kasi madilim talaga yung buong pelikula. Pero ang ganda ng paggamit nila ng iba’t ibang lighting: minsan blue, minsan orange, ganun, at lumalabas talaga yung dinadamdam ng mga karakter, kahit hindi ito agad nakikita sa kanilang acting.
Hindi din ito gumagamit ng mga flashy na SFX kung di mas nakadepende ito sa distortion at layering ng mga shots upang ipakita ang chaos at blurriness ng identity ng bidang si Vox, na pumapasok sa utak ng mga tao para gawin silang tila puppet na magsasagawa ng assassination ng mga mayayaman. Mayroon ding mga very symmetrical shots na nagpapalalim din ng dissociation ng mga bida.
Pero ang pinaka-interesting para sa akin ay ang gore at physicality ng pelikulang ito. Wala talaga siyang tinatago (at least sa uncut version) kita lahat pati ari at dibdib. Hanggang na-overload ka na sa lahat ng dugo at laman at balat na kumakalas, magiging manhid ka na rin sa mga buhay ng mga taong ito, dahil kitang kita mo ang fragility ng katawan nila. Para sa kin that’s also the primary conflict of the story, na dahil kailangan nila kalimutan ang dignidad ng buhay ng tao upang patayin sila, pati sila nawawalan na din ng dignidad para sa kanilang sarili at mga mahal nila sa buhay. Napapakita din nito ang problema ng ibang mga Hollywood action/assassin movies na masyadong indulgent sa pagladlad ng dugo at bituka ng tao, and this is difficult to separate from the American audience’s numbness to their country’s war crimes. Overall sobrang sayang panoorin, kahit nandidiri na, nakangiti pa din ako.